Ilang araw nang umuulan at ilang araw narin akong pumapasok ng opisinang naka tsinelas lamang. tsktsk, lusong baha, lusong! Ang hirap pa nito ay madaling bumaha sa daanan papuntang opisina kaya itong mga panahong ito, napapa long-cut pako pa-Ayala kaysa sa Magallanes na mas mabilis kung tutuusin. Bagamat mahirap, masaya na rin dahil tapos na ang tagtuyot at may mga palay na din maa-ani. Sa wakas, di na gagastos ang gobyerno sa cloud seeding na hindi naman lubusang nakakatulong sa tinding init ng panahon. Ibig sabihin ba nito at tuloy-tuloy na ang pag-ulan hanggang sa susunod na mga linggo? Bahala na. Extra ingat na lang sa lahat. Buti na lang ay pwedeng kahit anong damit sa opis basta katanggap tanggap naman pati na sa mga kliyente. Sa bagay, mas masaya ang umuulan. Mas masarap magtrabaho kahit madalas ay iniimagine mo ang iyong kama, comforter at champorado sabayan pa ng DVD marathon. :) Ayos!
Kahapon ay "na-suspend" ang operasyon sa ahensya. O, diba parang skwelahan? :) Bihira yung mangyari, kundi lang sa brown out at baha na aming inabot. Para naman namnamin ang suspension ay nag Glorietta kami pampasaya. Imbis na umuwi ay nag-mall muna. hahahaha :) Bihira na rin kasi kami maka pag-mall sa trabaho. Pero ang GCT ay nagliwaliw sandali at nagpakasaya! Nauna na umuwi si Maruh at Misiaoh kaya kami nalang nila Hana at Cheyenne ang nagtagal.
Ngayon sabado, itutuloy ko na ang "DVD-kama-comforter-champorado" fantasy ko at lulubus-lubusin ko hanggang Lunes dahil special non-working holiday din sa araw na yun. Saya saya! :)
At sa wakas, mas makakapag blog na ulit ako. Sa ganitong panahon, namimiss ko sila:
Masyado na tayong busy, pano na? :)
2 comments:
ah, Kathy...
If I hung out with your cool friends, do you think I could get along with them?
You guys seem all so sociable, smart, awesome?
Would you like it if I hung out with you?
Even if I was an embarrassing person? (who speaks tagalog badly? :( )
-"Isaia"
kim!
don't say that! :) sociable, smart, awesome??? i don't think we're like that.. :) we just do whatever we like sometimes even the goofiest and wackiest as long as we find time to talk and bond... my friends are all humble and fun-loving :) if you're here in manila i'm pretty sure you'll get along! i hope i get the chance to introduce you to them.. they'll love you i swear! cause you're the awesome-mest! and you have a lot in common :)
Post a Comment